Isa sa pinakamahirap na relasyon ay ang LDR. Totoo, halos lahat sinasabi na 'pag nasa isang LDR ka daw, matitibay kung gaano ka kalakas at katibay. Nandyan at mananatiling nandyan yung katotohanan, na wala ang pisikal nyong presensya para sa isa't isa.
Walang yayakap sa'yo 'pag nalulungkot ka.
Walang magpapatahan sayo matapos kang maiyak.
Walang mangingiliti sa'yo pag malapit ka ng mainis.
Walang tatapik ng likod mo at sasabihin na, "Kaya mo 'yan, Mahal kita."
Walang taong hahalik sa'yo 'pag nalilto at tuliro ka.
Walang magpaparamdam sayo kakayanin niyo ang lahat kasi ultimo hawak mo sa mukha niya 'di mo magawa.
Alam ko kung gaano kayo sumusubok na solusyunan lahat ng problemang dumarating. Selos, Kawalan ng oras, Hinala. Pero lagi niyong iisipin na darating ang araw na magkakasama ka'yo, hindi man bukas o sa susunod na taon, hindi man sa isang linggo o susunod na dekada, kundi sa perfect time ni God. Ang kailangan mo lang gawin ay maging matatag, mahalin siya, respetuhin siya, pasayahin siya at hintayin siya sa araw na muli kayong magkikita.
Kaya yan. Pinagtibay na kayo ng panahon, 'wag nyong hayaan ng dahil sa isang bagay, mawawasak lahat ng sinakripisyo niyo. Wag susuko! Kaya 'yan. Tiwala lang.

No comments:
Post a Comment